Mga hindi tatalima sa jeepney modernization program, tatanggalan ng prangkisa ng DOTr

Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga jeepney operators at drivers na hindi susunod sa public utility vehicle (PUV) Modernization Program hanggang sa taong 2020 na sila ay tatanggalan ng prangkisa.

Ayon kay DOTr Undersecretary Mark de Leon, revocation ng prangkisa ang kahaharapin ng operators na hindi susunod sa nasabing ang programa ng pamahalaan.

Sa taong 2020 ay magbibigay na ang DOTr ng notice sa mga operator kaugnay ng PUV Modernization Program. Kapag hindi sumunod ang mga operators ay i-aalok nila sa iba ang prangkisa.

Dapat din aniyang sumunod ang mga ito sa deadline na kanilang ibibigay.

Layun ng PUV modernization program na i-phase out ang mga lumang jeepney at palitan ang mga ito ng Euro 4 compliant vehicles na gagamitan ng renewable energy.

Kamakailan ay nagsagawa ng tigil-pasada ang mga jeepeney drivers at operators sa ibat-ibang panig ng bansa para tutulan ang anilay napakamahal na halaga ng modern jeepney na P1 milyon hanggang P2.2 milyon ang bawat isa.

Read more...