WATCH: Pangulong Duterte, kumanta ng “Ikaw” sa Russia

Muling nagpamalas si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang singing power sa Russia.

Sa meet and greet sa Filipino community sa Russia, muling kinanta ng pangulo ang kanyang paboritong awitin na “Ikaw.”

Hinawakan pa ng pangulo ang kamay ng kanyang ka-duet dahilan para naman kiligin ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Russia.

Tinatayang nasa 10,000 OFWs ang nasa Russia.

Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang childcare at household worker.

Narito ang bahagi ng pagkanta ng pangulo:

Read more...