Tago, Surigao del Sur nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Surigao del Sur, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southeast ng Tago bandang 11:45 ng umaga.

May lalim ang lindol na 41 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...