Walong patay, 18 sugatan matapos ang pag-atake ng mga rebelde sa Rwanda

Patay ang walong katao habang 18 ang sugatan matapos sumalakay ang hindi pa matukoy na mga armadong kalalakihan sa hilagang bahagi ng Rwanda.

Base sa ulat ng mga otoriadad, nangyari ang pag-atake sa Musanze district na isang tourist destination sa nasabing lugar.

Ito ay dinadayo ng mga turista dahil sa Volcanoes National Park at sa mga naninirahan ditong mountain gorillas.

Napagalaman ng mga otoridad ng gamit ang itak sa pagpatay sa anim katao at baril naman ang iba.

Ang nasabing lugar ay paulit-ulit nang tina-target ng mga rebeldeng Rwandan na kumikilos mula sa Democratic Republic of Congo.

Ang Democratic Forces for the Liberation of Rwanda ay nabuo noong 1994 matapos ang nangyaring genocide sa mga Tutsis.

 

Read more...