Blackwater Elite, may unang panalo na sa 2019 PBA Governors Cup

PBA IMAGES

Panalo ang Blackwater Elite sa iskor na 107-98 matapos makaharap nito ang NorthPort, Sabado ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City, bilang bahagi ng 2019 PBA Governors Cup.

Nakapagtala si Marqus Blakely ng 13 points, 14 rebounds, walong blocks, at pitong assists.

Nagtapos naman ang rookie na si Ray Parks sa kanyang team-high na 21 points, at ang bagong saltang si Carl Bryan Cruz na humugot ng 16.

Umaasa naman ang coach ng Elite na si Aris Dimaunahan na magtutuloy-tuloy ang kanilang panalo sa mga susunod na laban.

Ito ang unang panalo ng Blackwater Elite sa nasabing torneo.

Read more...