No.1 most wanted person ng QC, arestado

Timbog ang number 1 monst wanted person Quezon City, Sabado ng gabi, Oct. 5

Nakilala ang suspek na si Jason Serbito, 35-anyos, residente ng nasabing lungsod at may apat na kasong carnapping.

Hinuli si Serbito ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit at anti-carnapping group sa nasabing lungsod.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), tinatayang nasa P1.2 milyon ang halagang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Maliban kay Serbito, arestado rin ang apat pang “wanted person” ng lungsod ng Quezon na sangkot sa iba’t ibang kaso tulad ng illegal drugs, rape at attempted murder matapos ang ginawang magkakahiwalay na anti-criminality operation ng QCPD.

Read more...