Lalaking tumalon sa ikalimang palapag ng isang mall sa QC, patay

PHOTO CREDIT: DARWIN TOGONON PORCALLA/FB

Patay ang isang lalaki matapos itong tumalon mula sa ikalimang palapag ng SM North Annex sa Quezon City, bandang alas-5:37, Sabado ng hapon, Oct. 5.

Ang tumalong lalaki ay isang Senior High School Student ng San Francisco High School.

Base sa isang Facebook post ni Darwin Togonon Porcalla, makikita ang katawan ng biktimang nakasabit sa handrail ng escalator na binagsakan nito.

Agad na isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital ng SM Rescue Team na kalaunan naman ay binawian din ng buhay.

Suicide ang tinitingnang anggulo ng Quezon City Police Sation 2 Masambong.

Patuloy pa rin ang  ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.

Read more...