Resolusyon na nagbabawal sa “handshake” isinulong sa Kamara

File photo

Isang resolusyon sa Kamara ang inihain ni Marikina City Rep. Bayani Fernando para maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit.

Sa isang news forum ay idinetalye ni Fernando na dapat nang iwasan ang handshake o pakikipagkamay na nakaugalian na ng mga Pinoy bilang paraan ng pagbati.

Sa pamamagitan ng pagbabawal sa handshaking o pakikipag-kamay ay maiiwasan ang pagkalat ng sakit ayon sa resolusyon na inihain ng dating pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi pa ni Fernando na tinanggap ng House Education Committee ang kanyang napapanahong panukala.

Imbes na pakikipag-kamay, sinabi ni Fernando na pwede namang ilagay na lamang ng isang tao sa kanyang dibdib ang kanyang kamay bilang paraan ng pagbati o kaya naman ay bahagyang yumuko.

Idinagdag pa ni Fernando na noong araw pa dapat ipinagbawal ang pakikipag-kamay dahil nagdudulot ito ng pagkalat ng mga sakit dulot ng bacteria o microorganism.

Noong 19th century pa nadiskubre ni Louis Pasteur ang mabilis na pagkalat ng sakit dahil sa pakikipagkamay ayon pa kay Fernando.

Read more...