1 patay sa banggaan ng 5 sasakyan sa Shaw Blvd., Pasig City

Patay ang isang motorcycle rider sa banggaan ng limang sasakyan sa panulukan ng Shaw Boulevard at San Miguel Avenue Pasig city sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, isang UV Express ang bumangga sa pampasaherong jeep dahilan para magkarambola ang iba pang sasakyan bandang alas-9:00 ng umaga.

Nabatid na nasa likod ng UV Express ang motorsiklo kaya naipit ito sa isa pang jeepney na ikinasawi ng hindi kinilalang rider.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang banggaan.

Read more...