Isang tracker team ng Philippine National Police (PNP) ag nakatutok ngayon sa paghahanap sa Korean national na si Johnson Lee.
Si Lee ang sinasabing target ng operasyon ng mga dating tauhan ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Lakeshore Subdivision sa Mexico, Pampanga noong 2013.
Pero sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay sinasabing pinalaya si Lee kapalit ng P50 Million ng grupo ni Maj. Rodney Baloyo IV na siyang pinuno ng raiding team.
Imbes na si Lee, Si Ding Wenkun ang iprinisinta ng grupo ni Baloyo sa piskalya kung saan kanilang sinabi na ito ang may-ari ng 38 kilo ng droga na kanilang nakuha sa raid.
Pero sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group ay kanilang napatunayan na hindi 38 kundi higit sa 200 ng shabu ang nakuha sa raid at hindi rin si Ding ang target ng operasyon kundi si Lee.
Noong March 28, 2018 ay pinalaya ng hukuman si Ding dahil sa kakulangan ng mga ebidensyang magdidiin sa kanya sa illegal drug trade.
Sinabi ni Pampanga Provincial Office Director Jean Fajardo na ginalugad na nila ang lahat ng address ni Lee sa Pampanga at Metro Manila pero hindi nila ito matagpuan.
Malaki ang huinala ng opisyal na nasa labas na ng bansa si Lee.