Beteranang aktres na si Amalia Fuentes sumakabilang buhay na sa edad na 78

Sumakabilang buhay na ang beteranang aktres na si Amalia Fuentes sa idad na 78.

Kinumpirma ng aktor at pamangkin na si Niño Muhlach na binawian ng buhay ang kanyang Tita Amalia bandang alas-4:00 madaling araw ng sabado (Oct.5).

Multiple organ failure ang sinasabing sanhi ng pagkasawi ng beteranang aktres.

Si Fuentes, o Amalia Muhlach sa tunay na buhay ay kilala bilang Elizabeth Taylor of the Philippines.

Nagsimula ang kanyang career noong 1956 sa Sampaguita Pictures at unang gumanap sa pelikulang Rodora.

Nabatid na apat na taon nang bed ridden ang aktres matapos ma-stroke habang nagbabakasyon sa South Korea.

Si Fuentes ay unang ikinasal sa aktor na si Romeo Vasquez at nagkaroon ng isang anak na si Liezl Martinez. Si Martinez ay namatay noong 2015 dahil sa breast cancer.

Muli siyang ikinasal sa American businessman na si Joey Stevens.

Read more...