Ayon sa 4am update ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 455 kilometro Silangan ng Aurora.
Hindi inaasahang magiging bagyo ang LPA at kapag tumama na sa kalupaan ay tuluyan na itong matutunaw.
Dahil sa nasabing LPA, maulap na karanasan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maalisangang panahon pa rin ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang buhos ng ulan dulot ng localized thunderstorms.
Walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda.