Umabot na sa 65 araw ng Biyernes ang mga nasawi sa nagpapatuloy na serye ng kilos-protesta sa Baghdad, Iraq para labanan ang korapsyon sa pamahalaan.
Maraming opisyal ng gobyerno ang inaakusahang nagbubulsa sa pera ng bayan bukod pa ang kwestyonableng ‘awarding’ ng government contracts.
Sa ulat ng foreign media, binabaril umano ng mga pulis ang mga demonstrador.
Nanawagan na si Prime Minister Adel Abdul Mahdi ng paghupa ng karahasan.
Pero sinopla si Abdul Mahdi ng mga mamamayan dahil sa kabiguang ipatupad ang ipinangakong political reforms.
Ayon sa most influential cleric ng Iraq na si Grand Ayatollah Ali al-Sistani, ang marahas na mga protesta ay kagagawan ng mga pulitikong bigong mapaganda ang buhay ng mga mamamayan.
Ipinanawagan ni Sistani sa mga opisyal na tugunan ang hinihingi ng mga nagproprotesta.
Samantala, bukod sa 65 nasawi, umabot na sa 192 ang nasugatan.