Eleazar sa mga pulis sa Metro Manila: Manatiling ‘focus’ sa trabaho

Hinimok ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar ang mga pulis sa Metro Manila na mag-focus lamang sa kanilang mga trabaho.

Ito ay sa gitna ng mga kontrobersyang kinakaharap ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

“I would like to remind each and every one that we should not be distracted from this. This should not affect our campaign against criminality and illegal drugs because we have a lot of work to do,” ani Eleazar

Ayon kay Eleazar, hindi dapat maapektuhan ang trabaho ng mga pulis sa Metro Manila at nakatuon pa rin sa mandato sa publiko na labanan ang kriminalidad kabilang ang iligal na droga.

“The allegations against the PNP should not affect our campaign against criminality and illegal drugs and we should continue our job and show to criminal elements that we remain focused on our job of relentlessly running after them to give them no chance at all,” dagdag ng NCRPO chief.

Ang isyu ngayon sa PNP ang dahilan kaya binibisita ni Eleazar ang mga pulis sa rehiyon para itaas ang kanilang morale at ituloy ang kanilang tungkulin.

Kabilang sa mga binisita ng opisyal ang mga pulis na pansamantalang nakatalaga sa Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng mga gwardya sa Bilibid na sasailalim sa retraining at evaluation.

 

Read more...