DOH: P3.5B halaga ng naka-stock na mga gamot naipamahagi na

File photo

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na naipamahagi na ang P3.54 milyong halaga ng naka-stock na mga gamot.

Ito ay bahagi ng P18.49 billion na halaga ng overstocked medicines noong 2018 na unang pinuna ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa DOH, nasa P12.22 bilyong halaga ng mga gamot ang na-reconcile at recorded na hanggang August 31 ngayong taon.

Habang P2.89 bilyong halaga ng iba pang gamit pangkalusugan ang nakatago na sa mga bodega ng DOH at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Unang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kakulangan ng mga specialized warehouse ang dahilan kaya hindi naipamahagi ang mga gamot.

Matatandaan sa COA report ay nakasaad na P18.49 bilyong halaga ng mga gamot ang overstocked noong 2018.

Nasa P367.15 milyong halaga ng mga gamot ang malapit nang ma-expire kabilang ang mental health drugs at mga gamot sa diabetes at cancer.

 

Read more...