WATCH: Full trailer ng dog movie ni Sarah. G na ‘Unforgettable’ inilabas na

Inilabas na ang full trailer ng dog movie ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang pinaka-cute niyang co-star, ang dog internet sensation na si ‘Milo’.

Ang trailer na ipinakita na Biyernes ng gabi ay tila muling nagpakita sa ‘acting prowess’ ni Sarah.

Gumanap ang singer-actress bilang si ‘Jasmine’ na nais sanang dalhin ang dog friend niyang si ‘Happy’ sa kanyang may sakit na lola.

Makikita sa trailer ang pagharap nina Jasmine at Happy sa mga pagsubok sa kanilang paglalakbay.

Ang Unforgettable na nabuo sa direksyon ni Jun Robles Lana ay ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa sa October 23.

Read more...