Dapat kilalanin ni Senador Grace Poe ang sinasabi nitong mga opisyal ng Commission on Elections na nagkukuntsabahan upang ma-disqualify ang senadora sa nalalapit na halalan.
Ito ang hamon ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon sa kampo ni Sen. Grace Poe.
Sinabi ni Guanzon na una nang binabatikos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na tagapagsalita ni Poe ang Comelec matapos hindi nito paboran ang senador kaugnay ng mga petisyon para makansela ang kanyang certificate of candidacy (COC).
Dagdag pa aniya ni Gatchalian, may ilang personalidad sa Comelec na may sariling agenda laban kay Poe.
Ngunit ayon ay Guanzon, ginagawa lamang ng panig ng senadora ang mga reklamo pahayag dahil natalo ito sa desisyon ng Comelec.
Giit pa ni Guanzon, wala silang magagawa kung hindi natugunan ni Sen, Poe ang 10-year residency requirement na itinatakda para sa isang nais na tumakbo sa Pampanguluhang halalan.
Binatikos din nito ang Chairman ng Comelec na si Andres Bautista sa pagsasabing hindi kontrolado ng Chairman ang mga Commissioner ng ahensya.