Duterte nag-alay ng bulaklak sa monumento sa Moscow

Christia Marie Ramos/INQUIRER.net

Nag-alay si Pangulong Rodrigo Duterte ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier sa Moscow, Russia araw ng Biyernes.

Pinangunahan ng pangulo ang wreath-laying ceremony sa gitna ng ikatlong araw ng official visit nito sa naturang bansa.

Ang monumento ay bilang parangal sa mga sundalo ng Russia na namatay noong World War II.

Kasama ni Duterte sa seremonya ang kanyang mga gabinete at si Senator Christopher “Bong” Go.

Sa kanyang ikalawang pagbisita sa Russia, nagkaroon ng magkahiwalay na bilateral talks ang pangulo kina Prime Minister Dmitry Medvedev at President Vladimir Putin.

 

Read more...