Duterte sa DILG: Imbestigahan si Albayalde sa isyu ng ‘ninja cops’

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde kaugnay ng isyu ng drug recycling ng mga tinaguriang “ninja cops.”

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, iimbestigahan si Albayalde sa alegasyon laban sa kanya batay sa mga lumabas na ebidensya.

Magiging patas at komprehensibo anya ng imbestigasyon kay Albayalde.

Nalantad sa pagdinig sa Senado ang umanoy pagkakaroon ni Albayalde ng SUV matapos ang drug raid sa Pampanga noong 2013 gayundin ang umanoy pagharang nito sa dismissal order laban sa mga dating tauhan noong siya ang provincial director ng lalawigan, mga bagay na itinanggi ng PNP chief.

Dahil dito ay ikukunsidera ng DILG ang mga nabunyag sa Senate hearing sa kanilang gagawing imbestigasyon.

 

Read more...