Rice Tariffication law na nagpababa sa presyo ng bigas nakatulong sa pagbagal ng inflation – Malakanyang

Ikinagalak ng Palasyo ng Malakanyang ang pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 0.9 percent ang inflation rate sa bansa sa nagdaang buwan.

Sa inilabas na pahayag, ikinagalak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pagbagal ng inflation rate sa nakalipas na tatlong taon.

Ani Andanar, nakikita ang resulta ang mga programa ng gobyerno sa kabila ng mga natatanggap ng kritisismo.

Malaking tulong aniya rito ang Rice Tariffication law kung kaya’t nakakabili ang mga consumer ng mabababang halaga ng bigas dahil sa mataas na suplay.

Tiniyak naman aniya ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapabilis sa mga programa para mapagbuti ang kakayahan ng mga magsasaka sa bansa.

Ang naitalang 0.9 percent na inflation rate sa Setyembre ay pinakamababa mula noong June 2016 kung saan nakapagtala ng 1.3 percent.

Read more...