Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na bukas

Epektibo na simula bukas ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Inanunsyo ng Phoenix Philippines na ipatutupad na nito bukas, Oct. 5 alas 6:00 ng umaga ang bawas na P0.80 sa kada litro ng gasolina at P1 sa kada litro ng diesel.

Inaasahang sunod na mag-aanunsyo ng kanilang rollback ang iba pang kumpanya ng langis.

Kadalasang ipinatutupad ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ng mga oil companies tuwing araw ng Martes.

Read more...