Ayon sa pahayag, hindi totoong may kaso ng meningococcemia sa Brgy. Alangilan, Batangas City.
Kumalat kasi sa Facebook ang balitang may namatay sa naturang barangay pero ayon kay Dr. Rosvilinda Ozaeta, Batangas Provincial Health Officer, ang batang nasawi sa Alangilan ay dahil sa matinding hika at hindi kaso ng menigo.
Ang tanging kumpirmadong kaso ng meningo sa Batangas ay ang babae na galing Dubai, UAE na inaunsyo ng Department of Health (DOH) na nasawi sa Tanauan noong Sept. 21.
Ang tatlong iba pang nasawi sa mga bayan ng Lian, Nasugbu at San Jose ay wala pang resulta ang ginawang blood tests.
Paalala ng pamahalaang panlalawigan sa publiko maging responsable sa pagpapakalat at pagbabahagi ng mga balita at kuwento sa social media.