Pilipinas wagi kontra Vietnam sa Asean Volleyball Grand Prix

Nagwagi ang Pilipinas kontra sa Vietnam sa unang laro sa Asean Volleyball Grand Prix second leg sa Laguna, araw ng Biyernes.

Nanalo ang Pilipinas sa iskor na 25-12, 25-23 at 25-21 sa kabila ng maiksing panahon ng koponan para makapag-ensayo.

Pinangunahan ni Alyssa Valdez ang laro matapos makapagtala ng 13 points.

Nakapag-ambag din sa laro sina Ces Molina at Mylene Paat.

Susunod namang makakaharap ng Pilipinas sa powerhouse team na Thailand sa Sabado, October 5, at Indonesia sa Linggo, October 6.

Read more...