Ito ay mga convict na maagang napalaya sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na ang 19 convicts ay hindi sumuko sa ibinigay na 15 araw na ultimatum ng Punong Ehekutibo.
Ani Banac, ipinag-utos ng pangulo sa PNP ang operasyon sa pag-aresto sa 19 convicts na kabilang sa partial list mula sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor).
Bumuo na rin aniya ng mga tracker team para sa ikakasang search and arrest operation laban sa mga convict.
Matatandaang natapos ang ultimatum ng pangulo noong September 19.