Kotse nasunog sa EDSA

Tinupok ng apoy ang isang kotse habang binabagtas ang EDSA northbound sa Mandaluyong City.

Sa panayam ng INQURER.net kay Danielo Sampoton, security guard sa mall malapit sa lugar, isang Toyota Corolla ang nasunog alas 6:00 ng gabi ng Biyernes, Oct. 4.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar.

Nagtulong-tulong din ang mga gwardya ng mall para makapaglabas ng fire hose at maapula ang apoy.

Agad naapula ang sunog makalipas ang 15 minuto.

Wala namang nasaktan sa sunog.

Read more...