P16.6M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang drug suspect sa Dumaguete

Aabot sa P16.6 million na halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang pusher sa Dumaguete City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa Barangay Camanjac.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nadakip ng mga tauhan ng PDEA Regional Office VII si Jake Lester Esquillona.

Nakuhanan siya ng 2,000 gramo ng ilegal na droga.

Nakumpiska din kay Esquillona ang isang Suzuki motorcycle at kaniyang cellphone.

Read more...