Kim Chiu nakatanggap ng Gold Play Button mula sa YouTube

Nakatanggap ang aktres na si Kim Chui ng Gold Play Button mula sa YouTube.

Sa Instagram, inanunsiyo ni Kim ang magandang balita sa kaniyang mga tagahanga at follower.

Umabot na kasi sa mahigit 1 milyon ang subscribers ni Kim sa kaniyang Youtube channel.

Ayon kay Kim, hindi niya inakala na marami ang napapangiti at nabibigyan niya ng inspirasyon sa pamamagitan ng mga ina-upload na videos sa YouTube.

Nagpasalamat naman ang aktres sa pagsuporta at pag-subscribe sa kaniyang channel.

Read more...