Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRT-Administration sa susunod na siyam na buwan ay mananatiling walang biyahe sa Santolan, Katipunan at Anonas stations.
Malaki aniya ang naging pinsala ng sunog sa kanilang rectifier substations at ang mga napinsalang bahagi nito ay imported o sa ibang bansa pa kailangang bilhin.
Paliwanag ni Cabrera, bagaman mayroong spare parts ay hindi nito kakayanin ang naging sira.
Samantala, sinabi ni Carbera na mananatiling suspendido ang full operations ngayong weekend.
Habang sa Lunes o kaya ay sa Martes, maari nang magkaroon ng partial operations ang kanilang mga tren.
Kung makababalik ng operasyon sa susunod na linggo ay Cubao hanggang Recto at pabalik lang ang magiging biyahe.