Sampung bayan sa Pampanga ang nawalan ng kuryente Huwebes (Oct. 3) ng gabi matapos ang naranasang malakas na buhos ng ulan doon dulot ng thunderstorms.
Kabilang sa nakaranas ng power interruption ang mga bayan ng Magalang, Porac, Sta. Rita, Arayat, Sta. Ana, Masantol, San Luis, San Simon, Sto. Tomas at ang San Fernando City.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council tumagal ng limang oras bago naibalik ang suplay ng kuryente.
Nawalan din ng kuryente sa Angeles City bunsod ng malakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Sa northbound lane ng North Luzon Expressway sa Pampanga ay may tumumba pang poste.
Sa bayan naman ng Porac, may mga puno ring natumba at nakaranas ng flash floods sa San Fernando at bahagi ng MacArthur Highway.