Isang gusali sa Baguio City, binulabog ng bomb threat

Binulabog ng bomb threat ang isang gusali sa Baguio City, Biyernes ng umaga (October 4).

Batay sa inisyal na ulat, nakatanggap ng bomb threat ang Lyman Ogilby Building sa bahagi ng Magsaysay Avenue bandang alas-11:30 ng umaga.

Dahil dito, pinalikas ang mga empleyado mula sa iba’t ibang kumpanya at ahensya sa loob ng establisyimento.

Kasama rito ang National Commission on Indigenous Peoples, Cooperatives Development Authority at National Nutrition Council.

Wala namang nakitang bomba sa nasabing gusali.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung saan nagmula ang bomb threat.

Read more...