Spanish tennis superstar Rafael Nadal hindi na makakapaglaro sa Shanghai Masters

Hindi na makakapaglaro ang Spanish tennis superstar na si Rafael Nadal sa Shanghai Masters.

Ito ay matapos mabigong maka-recover sa wrist injury.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng manlalaro na kulang pa ang kaniyang panahon para maka-recover at makapag-ensayo para sa sports competition.

Sinabi naman ni Nadal na magbabalik siya sa Shanghai Masters sa taong 2020.

Ito na ang ikalawang beses na hindi nakalahok ang trentea y tres anyos na manlalaro

Maliban sa Spanish Masters, hindi rin nakapaglaro si Nadal sa Laver Cup noong buwan ng Setyembre.

Read more...