Matinding buhos ng ulan nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang alas 2:22 ng hapon, moderate to heavy rainshowers na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Quezon.

Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Samantala, heavy to intense rainshowers naman na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila partikular sa Quezon City, Caloocan, San Juan, Mandaluyong, Makati, Maynila, Parañaque at Las Piñas.

Apektado rin ang Bacoor, Imus at Dasmariñas sa Cavite; San Jose Del Monte, Santa Maria, Pandi, Plaridel, Bustos, Baliuag, Pulialn, San Rafael at San Ildefonso sa Bulacan.

Kaparehong sama ng panahon din ang mararamdaman sa Candaba, Mabalacat, Angeles City, Porac at San Simon sa Pampanga; San Jose sa Tarlac; Lobo, Rosario, San Juan at Taysan sa Batangas; Cabuyao, Calamba at Santa Rosa sa Laguna at Zambales.

Pinayuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...