CHR umapela sa CHED sa agarang pagbuo ng IRR ng Anti-Hazing Act of 2018

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa Commission on Higher Education (CHED) sa agarang pagbuo ng Implementing Rules and Regulation (IRR) para sa Anti-Hazing Act of 2018.

Ito ay kasunod ng mga napaulat na insidente ng hazing.

Ayon kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, dapat nang matigil ang hazing na isa aniyang hindi makataong aksyon.

Malinaw aniya na mas maraming estudyante ang nanganganib habang tumatagal ang hindi istriktong pagpapatupad ng batas.

Iginiit pa ni de Guia na walang lugar ang hazing sa anumang academic institution.

Hinikayat din ng tagapagsalita ang gobyerno, lalo na ang security sector, na tiyakin ang tama at kumpletong implementasyon ng Anti-Hazing Act of 2008.

Sinabi pa ni de Guia na dapat ding tutukan ang mga aktibidad sa mga paaralan at unibersidad.

Samantala, umapela rin ang CHR sa pamunuan ng mga eskwelahan na magpatupad ng mas istriktong sistema at mekanismo para maiwasan ang hazing.

Read more...