Mga naaabusong mister ipinasasama ng isang kongresista sa sakop ng VAWC

Ipinanukala sa kamara na palawigin ang sakop ng paglabag sa Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act of 2004.

Sa House Bill No. 4888 na inihain ni Rizal 2nd District. Rep. Fidel Nograles, nais nitong masakop na ng VAW-C ang mga mister at ang mga miyembro ng LGBTQIA+.

Bilang pagkilala sa iba’t ibang uri ng kasarian sinabi Nograles na sa halip na Violence Against Women and Their Children dapat itong gawing Violence Against Partners and Their Children.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi Nograles na nakasaad sa panukala na maging ang pang-aabuso sa mga mister o yung mga mister na dumaranas ng domestic violence ay dapat ding parasuhan batas.

Inihalimbawa pa ni Nograles na kabilang sa karahasang nararanasan ng mga lalaki o mister mula sa kanilang misis ay psychological at economic abuse.

Ani Nograles, ang halimbawa ng economic abuse kung ginagawa ng isang misis na ‘financially dependent’ sa kaniya ang kaniyang mister at nawawalan na ito ng karapatan na magdesisyon kung paano tutugunan ang sarili niyang pangangailangan.

Sa ilalim kasi ng umiiral na VAW-C, mga pag-abuso lamang sa kababaihan at mga bata lamang ang nasasakop.

Subalit base sa pag-aaral 12 hanggang 15 percent ng nagkakaprobelamgn relasyon ay dahil sa naabusong mister.

Read more...