Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Lucena City

Arestado ang isang drug suspect sa buy-bust operation sa Lucena City.

Ayon kay Co. Audie Madrideo, Quezon Police director, nadakip ang 21 anyos na suspek na si Geraldo Abadines, Huwebes (Oct. 3) ng gabi.

Nadakip ang suspek sa Barangay Gulang-Gulang nang magkasa ng operasyon ang mga otoridad.

Ayon kay Madrideo, notoryus na drug pusher si Abadines sa barangay.

Nakuha sa kaniya ang 5.2 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P28,600.Ang nadakip na suspek ay isang notoryus na drug pusher sa barangay.

Read more...