Mahigit 12,000 senior citizens nakinabang sa ikatlong araw ng libreng sakay sa MRT-3

Umabot sa 12,825 senior citizens ang nakalibre ng sakay sa MRT-3 sa ikatlong araw ng pagpapatupad ng free rides kahapon, Oct. 3

Ito ay bilang pakikiisa sa Elderly Filipino Week.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay nagsimula noong October 1 at ipatutupad ito hanggang sa October 7 mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ang Senior Citizen ID o kahit na anong Identification Card na magpapatunay na ang pasahero ay edad 60 pataas upang ma-avail ang libreng sakay.

Read more...