Metro Manila at maraming lalawigan sa Luzon uulanin ayon sa PAGASA

Makararanas ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA alas 10:46 ng umaga, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Nueva Ecija.

Ganitong lagay ng panahon din ang nararanasan na sa mga bayan ng Dolores, Candelaria, Sariaya, at Tagkawayan sa Quezon at sa Mariveles at Bagac sa Bataan.

Pinayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha na maaring maranasan.

Read more...