Presyo ng ticket para sa concert ng Green Day inilabas na

Inilabas na ang presyo ng ticket para sa concert sa Pilipinas ng grupong Green Day.

Ang ticket prices ay naka-post sa website ng concert organizer na MMI Live.

Pinaka-murang ticket ay nagkakahalaga ng P2,200 para sa general admission at ang pinaka-mahal ay nasa P9,850 para sa floor standing.

Ang Green Day concert ay gaganapin sa Mall of Asia Arena sa March 14, 2020 habang ang ticket ay magsisimulang ibenta sa October 13.

Ang Green Day ay sumikat sa mga kantang Boulevard of Broken Dreams, 21 Guns at Wake me up when September ends.

Ito ang unang pagkakataon na magtatanghal sa bansa ang grupo na bahagi ng kanyang world tour para sa promosyon ng bago nilang album na “Father of All Mother F—-.“

Ang Green Day ay sumikat sa mga kantang Boulevard of Broken Dreams, 21 Guns at Wake me up when September ends.

Full ticket prices :

Floor standing – P9,850
Patron Sides – P9,100
Patron Center – P8,600
Lower Box A Premium – P8,600
Lower Box A Regular – P8,100
Lower Box B Premium – P7,600
Lower Box B Regular P7,100
Upper Box Premium – P4,600
Upper Box Regular – P4,100
General Admission – P2,200

Read more...