No.9 most wanted sa Matalam, North Cotabato patay nang maka-engkwentro ng mga pulis

Patay ang no. 9 most wanted person sa bayan ng Matalam, North Cotabato matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Kibia sa naturang bayan.

Kinilala ang nasawi na si Sadam Dilangalen na may kinakaharap na kasong carnapping, homicide at frustrated murder.

Ayon sa ulat, isisilbi lamang ng Matalam Police ang warrant of arrest kasama ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 12, 1203rd Company kay Dilangalen sa bahay nito sa Sitio Lambayao nang agad itong magpaputok.

Gumanti naman ng putok ang mga operatiba dahilan para mabaril ang suspek.

Dinala pa ng ospital si Dilangalen pero idineklara rin itong patay pagdating sa pagamutan.

Read more...