Administrative cases inihahanda na ng DILG vs Manila ‘drug queen’

Magsasampa ng mga kasong administratibo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa Manila ‘drug queen’ na si Guia Gomez-Castro.

Sa pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Justice undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na nananatiling barangay kapitan si Castro kahit ito ay absent without official leave (AWOL).

“She is technically a public official and the DILG is ready to file administrative cases for her suspension and dismissal,” ani Malaya.

Sa gitna ng pinalulutang na hindi nakapanumpa si Castro, iginiit ni Malaya na kinumpirma sa kanya ng National Barangay Operations Office at ng DILG district office na aktibo pa rin itong barangay official.

Nang ma-AWOL, ang nangunang kagawad sa eleksyon ang humalili kay Castro.

“Since she is on AWOL, the first kagawad has taken over but it does not mean that she is not a public official. She is just on AWOL, still under the authority of DILG,” ayon sa DILG official.

Posible umanong maharap si Castro sa mga reklamong grave neglect of duty o grave misconduct sa Office of the Ombudsman.

Kapag napatunayang may mga paglabag, masisibak na sa serbisyo si Castro.

Samantala, sinabi ni Malaya na kasong kriminal naman ang kahaharapin ng umano’y drug queen na isasampa ng Philippine National Police (PNP).

 

Read more...