Duterte inimbitahan ang top oil producer ng Russia na mamuhunan sa Pilipinas

INQUIRER.net photo

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang top oil producer ng Russia na mamuhunan sa oil and gas development sa Pilipinas.

Nakapulong ng pangulo ang mga opisyal ng Rosneft Oil Co. matapos ang courtesy call ng Chief Executive Officer (CEO) nito na si Igor Sechin.

Sa pahayag na ipinadala ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa media, sinabing inimbitahan ni Duterte ang Russian oil sector leader na mamuhunan sa Pilipinas at tiniyak na ligtas ang investment nito sa bansa.

Ayon sa pangulo, hindi niya papayagan ang korapsyon sa kanyang gobyerno.

“The President invited Rosneft, the leader in the Russian oil sector, to invest in the Philippines, particularly with regard to oil and gas development, and assured its officials, which include Zeljko Runje, vice president for Offshore Projects of Rosneft; Didier Casimiro, vice president for Refining, Petrochemical, Commerce and Logistics of Rosneft; and Boris Kovalchuk, chief executive officer of Inter RAO, that their investments are safe in the Philippines and that he would not tolerate corruption in the bureaucracy,” ani Panelo.

Ang Rosneft na isang state-owned company ay may operasyon ng oil block na nagbibigay ng 10 percent ng kinakailangang enerhiya ng Vietnam.

Ayon sa website ng Rosneft, sila ang largest global public oil and gas corporation.

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to the Russian Federation Carlos Sorreta na nagpahayag na ng interes ang Russia sa energy cooperation sa Pilipinas.

 

Read more...