Sa ilalim ng Executive Order no.29 ni Mayor Evelio Leonardia, 90 araw ipagbabawal ang pagpasok ng pork at pork products mula Luzon at mga bansang apektado ng ASF kabilang ang China, Vietnam, Mongolia, Cambodia, Laos, Myanmar, North Korea, Russia, Hungary, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Belgium, Moldova, Latvia, South Africa, Poland, Zambia, at Romania.
Iginiit ni Leonardia na kailangang magpatupad ng mga hakbang upang manatiling ligtas ang kanyang lungsod sa ASF.
Una rito, nagpatupad na rin ng pork ban ang provincial government ng Negros Occidental.
Ayon kay City Agriculturist Goldwyn Nifras, vice-chair ng binuong Bacolod ASF Task Force, nakikipag-ugnayan siya sa hog raisers ng lungsod para talakayin ang kanilang pangamba sa ASF.
Simula ngayong araw, October 4, magsasagawa ng information drive ang ASF Task Force sa mga baranggay para ipabatid sa hog raisers kung paano babantayan ang kanilang mga alagang baboy.
Nananatili naman anyang ASF-free ang Bacolod City at ang buong Negros Occidental.