WATCH: Traffic enforcer nanakit ng motorista

Screengrab of Zaldy Eugenio video

Sapul sa cellphone video ang pananakit ng isang traffic enforcer sa motoristang nasiraan ng gulong sa Scout Chuatoco Street, Quezon City.

Sa viral post ni Zaldy Eugenio na ngayon ay may 84,000 shares na at may 2.9 million views ang video, mapapanood ang kanyang komprontasyon sa nasabing traffic enforcer.

Minura umano siya ng enforcer na humantong sa pisikal na pananakit at nahagip sa video.

Mapapanood pa ang pagtilapon ng cellphone ni Eugenio.

Nakilala ang enforcer na si Danilo Usi na ngayon ay terminated na ayon kay Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management Traffic Operation Division Chief Dexter Cardenas.

Samantala, nasita naman ni QC Mayor Joy Belmonte si QC Traffic Task Force chief Ariel Inton dahil sa kabiguang matiyak na ang mga enforcers ay naisailalim sa ‘test of character and integrity.’

 

 

Read more...