Batay sa Comelec Resolution 9981 o Calendar of Activities para sa May 9 polls ang election period ay tatagal hanggang June 8, 2016.
Mahigpit na ipatutupad ng poll body ang mga regulasyon sa kasagsagan ng election period, kabilang na rito ang implementasyon ng gun ban.
Paalala ng Comelec na sa gun ban, ang pagdadala at pag-transport ng mga armas at iba pang deadly weapons nang walang otorisasyon mula sa komisyon ay ‘banned’ o bawal habang umiiral ang election period.
Exempted naman sa gun ban ang Presidente, Bise Presidente, mga Senador, Kongresista, Cabinet Members, at mga Mahistrado, maging ang specified law enforcement agencies.
Hindi rin sakop ng gun ban ang mga cashier at disbursing officers o personnel na nagdadala ng malalaking halaga ng salapi o ari-arian, at mga private security providers.
Sa ilalim pa ng election period, bawal ang paglilipat o paggalaw sa mga opsiyal at empleyado sa civil service.
May freeze din mula sa suspensyon sa hanay ng mga elective officials sa panahon ng election period.
Hindi naman maaaring gumamit ng security personnel o bodyguards ang mga kandidato, maliban na lamang kung may otorisasyon mula sa Comelec.