‘For sale’ na ang The Playboy Mansion, na kilala sa pagho-host ng “wild parties” sa Estados Unidos.
Batay sa report ng celebrity website ng TMZ, ang The Playboy Mansion nap ag-aari ni Playboy Magazine founder Hugh Hefner ay ibibenta sa halagang 200 million US dollars.
Bagaman target ng Playboy Enterprise na ibenta ang notorious mansion sa nabanggit na halaga, sinabi ng TMZ na batay sa real-estate sources sa Holmby Hills, ang mansion ay nasa pagitan lamang ng 80 hanggang 90 million US dollars.
Dagdag ng TMZ, maaari na raw mag-tour ang prospective buyers sa The Playboy Mansion pero may isang area na off-limits.
Ito ay walang iba kundi ang bedroom ng 89-year-old na si Hefner.
Kung sino rin daw ang final buyer ay kailangang magbigay ng life estate kay Hefner, ibig sabihin ay maaaring tumira pa rin ang naturang Playboy Magazine founder sa mansyon hanggang sa siya’y mamatay.
Nauna nang inilarawan ng Forbes Magazine ang The Playboy Mansion bilang “Gothic/Tudor”, at sinabing ang mansyon ay mayroong tatlong zoo, aviary building, pet cemetery, tennis court, waterfall, pool at basketball court.