Sa kanilang muling pagkikita, sinabihan si Pangulong Rodrigo Duterte ni Russian President Vladimir Putin na ang Pilipinas ay mahalagang partner ng Russia sa Asya.
Ayon kay Putin, “very important” partner ng kanyang bansa ang Pilipinas sa rehiyon.
Pareho anyang makikinabang ang Russia at Pilipinas sa bilateral cooperation ng dalawang bansa.
“I would like to highlight that the Philippines is a very important partner of Russia in Asia. Our bilateral cooperation is constructive and mutually beneficial…,” ani Putin.
Sa kanilang bilateral meeting sa Sochi, Russia ay inalala ni Putin na sa pagbisita ni Duterte noong 2017 ay kinailangan nitong umuwi agad dahil sa pag-atake ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi City.
Pero pinuri ni Putin si Duterte dahil napapababa nito ang lebel ng banta ng terorismo sa Pilipinas at napalakas naman ang kakayanan ng security forces ng bansa sa nakalipas na 2 taon.
Biananggit din ng Russian president ang matagumpay na ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya at kalakalan.
Inihayag ni Putin ang interes sa kooperasyon ng Russia at Pilipinas sa space exploration at paggamit ng digital technology.