Ito’y hudyat din ng pag-uumpisa ng election period ngayong January 10.
Ang parada para sa tinatawag na SAFE o Secure and Fair Elections ay pinangunahan nina DILG Secretary Mel Senen Sarmiento at Comelec Chairman Andres Bautista.
Nakibahagi rin ang mga taga-PNP, Department of National Defense, Department of Education at mga non-government organizations o NGOs.
Nag-umpisa ang kick-off parade sa Quirino Granstand, sa lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga aktibidad sa SAFE ceremony ay peace walk, covenant signing at candle lighting.
Bukod sa pagsisimula ng election period, ngayong araw din epektibo ang gun ban at pagdadagdag ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa halalan sa Mayo.