2 Filipino, patay sa aksidente sa Palau – DFA

Patay ang dalawang Filipino habang isa ang nakaligtas sa nangyaring aksidente sa Palau, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na pahayag, iniulat ng Philippine Consulate General sa Agana na nawalan ng preno ang sinasakyang trak ng mga biktimang Pinoy noong September 29.

Dahil dito, nahulog ang trak sa dagat.

Ayon kay Consul General to Agana Marciano de Borja, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Consulate General sa mga otoridad sa Palau para makakuha ng karagdagang detalye sa aksidente.

Kasama rin sa pinoproseso ng Consulate General ang pagpapauwi sa mga labi ng mga biktima.

Sasagutin naman ng employer ng mga biktima ang gastusin sa pagpapadala ng labi ng mga biktima pauwi ng Maynila.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng mga otoridad sa Palau na walang foul play sa aksidente.

Handa rin ang konsulado na handang magbigay ng tulong sa nakaligtas na Pinoy.

Nagparating naman ng pakikiramay ang DFA sa naiwang pamilya ng mga biktima.

Read more...