2 bayan sa Bicol, idineklara ng PDEA bilang drug-free

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang drug-free ang dalawang bayan sa Bicol region.

Ayon sa PDEA, drug-free na ang bayan ng San Vicente sa Camarines Norte at Magdalena sa Sorsogon.

Ayon kay PDEA regional director Christian Frivaldo, inilabas ang certificate sa dalawang bayan matapos ang isinasagawang validation at assessment.

Pumasa ang mga nasabing bayan sa 14 na kondisyon ng Dangerous Drugs Board.

Sinabi ni Frivaldo na patuloy namang tututukan ang mga bayan kung makakatugon sa mga kondisyon.

Read more...