P147B pondo ng DOTr para sa 2020, aprubado sa Senado

Inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang P147 bilyong pondo ng Department of Transportation (DOTr) para sa 2020.

Ayon kay Senate Sherwin Gatchalian, chairman ng Committee on Finance, isusumite ang pondo sa plenaryo para sa deliberasyon.

Humirit pa si Transportation Secretary Arthur Tugade ng karagdagang P1.2 bilyong pondo para sa 13 aviation projects.

Aniya, sakop nito ang night rating para makapagtuloy ng operasyon ang ilang paliparan tuwing gabi.

Ani Tugade, importante ito hindi lamang pagdating sa mobility kundi maging sa turismo at seguridad ng bansa.

Inaprubahan naman ng Senado ang inihirit na karagdagang pondo ng DOTr.

Doble ang itinaas ng pondo ng kagawaran para sa susunod na taon kumpara sa P67.67 bilyon sa taong 2019.

Read more...